200 OFWs Duped by a Recruiter in Taiwan

Para sa mga Pinoy na kasalukuyang nasa Taiwan na gustong mag-Poland


Ayon sa  isang MECO Officer sa Taipei, mayroong dalawang daang(200) Pilipino ang ni-recruit ng isang recruitment agency(GXXXC-name has been modified) sa Taichung, Taiwan. Nagbayad ang bawat isa ng PHP450K-PHP500K sa kagustuhang makapag-trabaho sa bansang Poland, isang bansa sa Central Europe.

Illegal Recruitment sa Taiwan
This image is not mine. All credits belong to its rightful owner.

Pagdating sa Poland ng mga aplikante ay laking gulat nila nang malamang iba ang kanilang trabaho sa kanilang inapplyan, at ang sahod nila ay umaabot lamang ng PHP12K.

Sa dalawang daan(200) na kataong nakarating sa Poland ay marami na ang tumakas or nag-TNT sa kadahilanang hindi nasunod ang mga pinagkasunduang klase ng trabaho at sasahurin.

Kung tutuusin ay hindi na ito bago. Sa aking personal na karanasan ay may mga kakilala rin akong naloko na, dito mismo sa Taiwan(bound to Canada). Though, I’m not pointing out na lahat ay illegal or this is not to generalize, dahil may mga totoong nakakaalis din at nagiging maganda naman ang outcome sa huli.

Sa una, ay totoong may mga nakaka-alis patungong Canada at sa kalaunan ay mayroong mga nae-engganyo na ring mag-apply, dahil nga sa “good record” ang isang recruitment agency. Nangyayari ang problema sa mga sumusunod na aplikante. Pagkatapos nilang makapag-bayad ng lahat-lahat ay bigla na lang naglalaho ang recruiter at hindi na tuluyan pang nagpaparamdam. Ganito ang karaniwang modus. Inuulit ko, HINDI LAHAT.

Kaya napakahalaga ang mag-isip ng mabuti at magtanong-tanong muna bago sumabak sa mga ganitong pagkakataon.

Sabi nga ni Ma’am Gina Lin of MECO, “WALANG MANLOLOKO KUNG WALANG MAGPAPALOKO”.


Read: Listahan ng mga Job Scammers sa Facebook


MECO’s  Website

How to Identify an Illegal Recruiter (POEA)


DISCLAIMER:

We are not affiliated with ANY of the names or entities stated in this article. The sole purpose of this is just to acquaint the public that such subterfuges do exist.


POEA’s Direct Hiring of Female Nurses bound to KSA

Read: Visit Taoyuan Skywalk

Comments

Leave a Comment

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

error: Content is protected !!
Skip to toolbar