Baishawan Beach 白沙灣 Báishā wān
Baishawan Beach 白沙灣 Báishā wān Baishawan Beach. Ang Baishawan beach ay matatagpuan sa hilaga ng Taipei City, at halos kalapit lang ng Tamsui (淡水, Danshui). Mapapansin sa video na nasa bandang ibaba, na ang kulay ng buhangin ay dark brown. Sanhi ito ng kakatapos lang na ulan sa lugar. Ang tunay na kulay nito ay maihahalintulad sa tinatawag na dirty white. Pinong-pino ang buhangin dito. Kilala ang beach na ito sa larangan ng surfing dahil sa mga hindi pangkaraniwang alon nito at malalakas na hangin, na kagaya ng nasa Qiding Beach sa Zhunan. Mapapansin sa video ang mga lubid na nasa dagat. Ito ang mga nagsisilbing indicators na ang mga naliligo ay nasa safe zone. Mayroon ding mga nakatalagang lifeguards na patuloy na naka-antabay, kung sakaling may magaganap na mga pangyayaring hindi inaasahan, kagaya ng pagkalunod. Napansin kong alerto sila, dahil agad nilang pinupuna(pagsipol gamit ang pito)ang mga lumalampas sa…