Ang Ipinagkaiba ng White and Blue Collar Jobs sa Taiwan.

Heto po ay para sa mga gustong magtrabaho sa Taiwan,nang may idea po kayo.

Sa Taiwan ay dalawa ang labor class, blue at white collar or yung eco visa.

Blue collars ay sila yung 3 years and below or 6 semesters and less. Salary is 22K NTS at least, plus overtime pay if meron. Maximum of 12 years lang or 4x contract, then uuwi na kayo for good. Blue collars also pay monthly, for 3 consecutive years(usual contract = 3 years) to his/her Broker in Taiwan: 1, 800 NTS monthly on 1st year, 1700 NTS for 2nd yr and 1600 NTS for 3rd/ last year. May kaltas din na 8% tax, but reimbursible kung di ka magbe-break contract. Kapag nag break contract ka before 183 days, mapepenalize ka sa tax ng 18%, kaya may babayaran ka bago ka umuwi. May medical insurance din na kaltas pero maliit lang. The good thing in Taiwan healthcare is napakaganda, kung maooperahan ka sa kahit saang parte ng katawan ay, wala pa sa 8K NT ang babayaran mo kasama na pati gamot. Ang Out patient naman ay 150 NT ang lang bayad kasama na rin gamot. Swuerte kapag sagot ng company ang food and accomodation, otherwise sariling gastos mo ang mga iyan. Kaya during the INTERVIEW, itanong ninyo ito sa inyong employer.

White collar or eco visa, itong class of worker na 4 and 5 years course. Considered din dito yung 3 year
/tri-sem technology course. Walang limit ang contract, hanggat gusto mo or gusto pa ng employer mo. Pwede ka ring maging permanent resident depende sa iyo. Di tulad ng blue collar, ang white collar ay di nagbabayad ng broker’s fee at meron ding OT kung sakali. Pareho din ng kaltas ng tax at healthcare ng Blue collar. Kadalasan ay free ang food and accomodation pero mas maganda na itanong during the interview.

I hope na maliwanagan kayo kung sakali mang swertehin kayong makapagtrabaho sa Taiwan.


*user submitted post.


Check other user-submitted posts here:

Submit your own posts here:

Similar Posts:

Comments

Share with:


Leave A Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Navigate