Baishawan Beach 白沙灣 Báishā wān

Baishawan Beach 白沙灣 Báishā wān

Baishawan Beach.

Ang Baishawan beach ay matatagpuan sa hilaga ng Taipei City, at halos kalapit lang ng Tamsui (淡水, Danshui). Mapapansin sa video na nasa bandang ibaba, na ang kulay ng buhangin ay dark brown. Sanhi ito ng kakatapos lang na ulan sa lugar. Ang tunay na kulay nito ay maihahalintulad sa tinatawag na dirty white.

Pinong-pino ang buhangin dito. Kilala ang beach na ito sa larangan ng surfing dahil sa mga hindi pangkaraniwang alon nito at malalakas na hangin, na kagaya ng nasa Qiding Beach sa Zhunan.

Mapapansin sa video ang mga lubid na nasa dagat. Ito ang mga nagsisilbing indicators  na ang mga naliligo ay nasa safe zone. Mayroon ding mga nakatalagang lifeguards na patuloy na naka-antabay, kung sakaling may magaganap na mga pangyayaring hindi inaasahan, kagaya ng pagkalunod. Napansin kong alerto sila, dahil agad nilang pinupuna(pagsipol gamit ang pito)ang mga lumalampas sa linya. Maliban lang sa mga surfers na may dala-dalang surfboards.

Hindi bawal ang magpalipad ng drone dito, ngunit mag-ingat dahil sa bandang tanghali ay marami na ang tao sa lugar na ito. May mga tindahan at kainan sa bungad ng beach. Mayroon ding parking lots at  mga banlawan, ngunit hindi libre. 20NT ang bayad para sa mga gustong magbanlaw. 10NT naman sa mga gustong maghugas lang ng mga paa.


Baishawan Beach cottages price
Ang presyo ng white/red na shed ay 1,500 NT, samantalang ang maliit na puti ay 300 NT per shed. Puwede nang gamitin sa buong araw. Puwedeng magdala at maglatag ng sariling tent ang sinuman.

Báishā wān Beach, Taiwan

白沙灣 Báishā wān is translated as White Sand BayLocation: 253, New Taipei City, Shimen District253新北市石門區Blog: https://bit.ly/2lSjWthHD 4K version : https://bit.ly/2maJTEvWe got through the pouring rain and under the searing sun.And eventually made it out alive and felt accomplished.“Its not the Destination, It's the journey.”- EmersonSong: Extenz – Endless Summer (Vlog No Copyright Music)Music provided by Vlog No Copyright Music.Video Link: https://bit.ly/2m9tHTYRelive: https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=2860926707269032&id=100000551924254

Posted by Explore Taiwan on Saturday, September 14, 2019

Google Maps coordinates of Baishawan Beach


Paano puntahan ang Baishawan Beach?

Via MRT RED Line.
Bumiyahe sa pinakadulo/terminus ng Tamsui Station (淡水).Pagkatapos ay lumabas sa train station at tumawid sa kalsada at pumasok sa bus station.Hanapin ang bus numbers 622/623, 1261, 1262, or 1263. Sumakay at bumaba sa Baishawan (白沙灣) bus stop.



Read: Highland 405 in Taoyuan

Read: Yingge Central River Sunset Trail

Comments

Share with:


Comments are closed.

Navigate