“BUHAY OFW”
Minsan kami ay sinungaling sa kaalaman ng lahat;
Larawang ipinakikita di lahat ay katotohanan;
Mga paghihirap sa trabaho di namin ipinapaalam;
Ang posturang huwad tanda yan ng pagmamahal!
LIngid sa inyong kaalaman, marami kaming pagsubok na nararanasan;
nandiyan na ang makaranas ng di maganda sa among pinagsisilbihan;
gayun din ang pagod, hirap, gutom at puyat upang pamilya ay mabigyan lamang ng magandang kinabukasan.
maraming impit na luha ang pumapatak sa unan;
maraming oras ang aming tiyan kung minsan ay walang laman;
ang mga pangungulila at lungkot na nararamdaman;
pilit pa ring ngumingiti upang huwag mag-alala ang pamilyang pansamantalang iniwan.
maari ngang kami ay tila laging masaya at walang problema;
nakukuha pa namin laging tumawa at huwag mag-alala;
ngunit kung alam lang ng ating mga kababayan at pamilya;
lahat ay aming tinitiis, at nilalakasan ang kalooban dahil mahirap ang nag-iisa sa ibang bayan.
-Anonymous
Basahin: Ang Ipinagkaiba ng White at Blue Collar Jobs sa Taiwan.
Comments are closed.