Guide for OFWs Bound to Taiwan


DON’Ts

  1. Iwasang magkaroon ng sipon/ubo/lagnat bago bumiyahe. Bakit? Sa airport ng Taiwan ay mayroong Infrared/Thermal Scanner. Nade-detect nito kung mayroong lagnat ang isang tao. May posibilidad na kayo ay harangin at i-quarantine kung kayo ay kakikitaan ng mga sintomas. Makabubuting mag-take ng antipyretic drug o pampababa ng lagnat kung mayroong sinat(please ask your Doctor).
  2. Huwag magdadala ng prutas/buto at longganisa sa mga bagahe. Bawal po ang mga ito. Kung gusto ninyong magdala ay nasa sa inyo na po iyan.
  3. Alam ba ninyong bawal din ang marine products gaya ng daing/tuyo? Pero nakakapagdala pa rin ang iba, dahil binabalot nila ito ng maigi upang hindi sumingaw ang amoy(magdala kayo at your own risk).
  4. Alisin ang lahat ng metal sa may metallic sensor gates(Taiwan). Kahit tubig na maiinom ay pinapaiwan din bago pumasok.
  5. Over NT$60,000 in notes ay bawal dalhin sa biyahe, except may permit po kayo from Central Bank of China.
OFWs in Taiwan
Biyaheng Taiwan (reference only) 

 

DOs

 

  • Pumunta sa Airport, four hours bago ang departure time upang maiwasang mahuli sa biyahe.
  • Pwedeng magbaon ng makakain, gaya ng biscuits dahil mahal na po sa loob ng Airport.
  • Advisable na magdala ng maliit na pouch or bag upang mapag-lagyan ng inyong boarding pass, ticket, passport, ballpen at iba pang dokumento na madaling ilabas sakaling ito’y hanapin ng mga kinauukulan.
  • Lagyan ng marka o pagkaka-kilanlan ang inyong maleta upang madaling mapansin kapag kukunin na sa baggage claim area(conveyor).
  • Magdala ng jacket/sweater dahil kalimitan ay malamig sa loob ng eroplano lalo’t gabi or madaling araw ang inyong biyahe.
  • Huwag kalimutang lagyan ng address at contact numbers ang mga dalang bags/maleta.
  • Ilagay ang lahat ng gadgets na may BATTERY sa HANDCARRY, gaya ng cellular phones, powerbank, iPod, etc.
  • Magdala ng ballpen sa eroplano upang mayroong pang-fill up sa embarkation card. Kalimitang hinihiling dito ay ang details sa inyong passport. For your convenience, picturan na lang ang inyong passport kabilang na rin ang mga iba pang importanteng papeles.
  • Pwede kayong magdala ng Roaming SIM card kung gusto ninyo. May available din sa Taiwan,ngunit mas mahal.
  • Mayroong Money Exchange outlets sa Taiwan Airport. Maaari kayong magpapalit ng Philippine Peso to NT Dollars doon. Hindi po nila tinatanggap ang coins.
  • Bago umalis ng Pinas, ay ipa-photocopy ang Passport(3 copies upang may reserba) dahil magagamit mo ito para makapag-avail ka ng FREE SIM cards sa Taiwan. “Cards” nga dahil marami at 4G(optional) na. Mga five SIM cards ang ibibigay sa inyo at may load na, ngunit ang iba ay hindi pa activated. Kalimitan ay maa-activate after three days.

Read: Interview Tips for OFWs (Taiwan-bound)


Facts:

>Kalimitan ay 15 kilos ang maximum sa checked-in luggage at 7 kilos naman sa handcarry(please ask your agency about this).

>May free Wi-Fi sa Taiwan airport.

>Ang convenience outlets sa Taiwan ay mayroong 110 at 220 volts.

>Mayroon ding free water sa mga water fountain stations sa airport.

>Huwag mag-alala, maraming Pinoy sa Airport na pwedeng mapagtanungan kung kinakailangan.

>May English translations ang mga Airport signs.

>Mayroong Skytrain na may free ride, kung sakaling ibang Terminal ang napuntahan. Ang TTIA (Taiwan Taoyuan International Airport) ay may Terminal 1 at 2, kung sakaling dito kayo bababa.

>Friendly ang karamihan sa mga Taiwanese, kaya pwede rin kayong magpatulong/magtanong sa kanila. Iyong iba ay hindi marunong sa English, kaya masanay na kayo tungkol sa bagay na ito. Mag-install ng Google Translate app. Traditional Chinese ang ginagamit dito.

>Pagdating ninyo sa Airport ng Taiwan ay sasalubungin kayo ng mga taga CLA or Council of Labor Affairs for breifing. Pagkatapos po niyan ay itu-turn over kayo sa Broker. Kalimitan ay Broker ang sasalubong sa inyo sa airport o di kaya ay ang kanilang mga kinatawan.

>Susunod naman ang Medical Exam on the same day(usually). Kalimitan ay may charge(kaltas sa sahod) ang Medical Exam, pero depende ito sa company.

>Sa Medical Exam ay magkakaroon ng height & weight measurements, X-ray, Blood Pressure, Blood, Eye at Stool tests. Mabilis lang ito compared sa Pinas. Aabutin lang ng more or less two hours. 

>Pagdating sa Taiwan, huwag kayong magugulat kung ang mga Taiwanese ay mahilig sa sigawan na para ba silang galit or nag-aaway. Nasa Tradisyon {renao (熱鬧)} po kasi nila ito. Kaya sila maingay ay para daw kasi silang nagkaka-sayahan.

 

 

Maligayang Pagdating!

 

Welcome sa Taiwan!


TTIA

Service phones: (03) 398-2308 (Terminal 1); (03) 398-3222 (Terminal 2)


 

Leave your comments here