Leofoo Village sa Hsinchu

Ang Leofoo Theme Park ay ang First Fantasy World in Asia na mayroong Amusement at Safari parks. Maliban pa dito ang kanilang Waterpark.

Ito ay matatagpuan sa bulubunduking lugar ng Hsinchu. Makakapanood ka dito ng mga parada at musical watershows. Mayroong Safari/Zoo at mga rides na para sa mga thrillseekers at mayroon din para sa mga bata.

Pagoda's Revenge in Leofoo Village
Pagoda’s Revenge in Leofoo Village

Paano bumili ng ticket sa 7/11 kung ikaw ay pupunta sa Leofoo Village?

leofoo ticket at ibon
Pumunta sa 7 11 at hanapin ang ibon machine. Sundin lang ang step by step instructions.

Paano puntahan ang Taichung Flower Farm(Houli)?

promo ticket at ibon for Leofoo Village
Convenient ang bumili ng ticket dito for Leofoo
Paano bumili ng Leofoo ticket sa 7 11?
Kung hindi masundan ay puwedeng magpa-assist sa mga staff.
Discounted Leofoo tickets
May promo ang ibon machines for Leofoo tickets ngayon(599 NT). 
Leofoo ticket in ibon machines at 711 (promo)
Pindutin lang ang Next.
ticket quantity choice menu
Pindutin lang ang NEXT hanggang sa makarating sa part na ito kung saan pwede kang mamili kung ilang tickets ang gusto mong bilhin.

 

Leofoo ticket at ibon machine
Deretso lang, hanggang sa may lumabas na print-out sa ibon machine. 
Leofoo ticket in ibon.
Ibigay ang print-out sa cashier. Pagkatapos mabayaran ay, ito naman ang ibibigay nila sa iyo. Ipapakita mo ito sa Leofoo Vilage ticket booth at bibigyan ka nila ng receipt. Ang receipt at stubs ang ipapakita sa entrance upang ikaw ay makapasok sa Leofoo Theme Park.

Paano pumunta sa Leofoo Village?

More or less one hour ang biyahe kung manggagaling sa Zhongli train station.

  1. Option 1-> Puwedeng via Taxi. 100 per head lang kung marami kayo.
  2. Option 2-> Pumunta sa Zhongli at abangan ang bus number 5653.
bus 5653
Ang sakayan ng bus sa Zhongli na papuntang Leofoo Village.
rohdelb.com
Leofoo bus schedule sa Zhongli.
Shuttle bus schedule ng Leofoo
Leofoo Shuttle Bus Schedule
businesss hours
Sa ngayon ay sarado pa po ang Waterpark. Separate ang bayad kapag nais ninyo itong subukan. Credits to Leofoo Village.

Mga ipinagbabawal:

  1. Bawal kumain habang nanonood sa show performances (Theater).
  2. Huwag magdadala ng mga inuming nakakalasing.
  3. Bawal din ang glass containers.
  4. Bawal ang chewing gum at beetle nut(nga-nga) sa loob.
  5. Bawal manigarilyo kahit saang lugar sa loob ng park.
  6. Bawal magdala ng pets sa loob, ngunit may nakalaang pet-sitting services (50 NT ang fee).

Note: May height requirements ang bawat rides. Makikita ito bago pumasok sa mga entry points ng bawat rides. Puwede ring lumabas at pumasok(ng park) pagkatapos makabili ng ticket, ngunit huwag kalilimutang magpa-tatak. Ang regular ticket price ay 999 NT at depende during promotional periods. Sa ngayon ay 599 NT per head.

 

Attractions: Safari, 360, Show Performances sa Theater, Deep Sea Bomb, Waterpark at marami pang iba.

 

Tips:

  1. Huwag niyo na pong i-try ang Anubis. Ito po yung may laser/mission. Waste of time lang po iyon.
  2. Pwedeng magbaon ng drinks at snacks. Mahal po sa loob.
  3. Need po ng raincoat sa dalawang rides (50 NT ang price sa loob). Two times nyo po itong magagamit. Pwedeng bumili sa labas at dalhin na lang sa Leofoo.

I recommend Screaming Condor. Ito na ang pinaka-extreme na ride nila. Hindi po ninyo makakalimutan ang Leofoo dahil sa ride na ito. Kung may heart/health problem ay huwag ninyo na lang pong sasakyan ito.

 

sikat siya sa mga TV Shows
Leofoo Village Theme Park in Hsinchu, Taiwan

My Youtube Channel

 


 

 

Read: Paano puntahan ang Taoyuan Skywalk?

Leofoo Map Download

Read: The Latest Taiwan Lottery Receipt results

Wanted Factory Workers for Taiwan 


Enjoy! =)

 

Leave your comments here