Mga Karaniwang Tanong ng mga Aplikante pa-Taiwan

FAQs ng mga Pinoy na gustong mag-Taiwan

Q: Anu-ano po ang mga hinahanap na requirements upang makapag-apply sa Taiwan?

A: 

1.Passport
2.UMID (SSS)and Voter’s ID or Voter’s Certificate
3.Birth Certificate (not late registered 20 y/o above. )

Mga requirements for Taiwan bound applicants.
Mga requirements for Taiwan bound applicants. Credits to City Employment Recruitment Agency.

4.NBI MULTI PURPOSE
School Documents.
*Diploma (if college) / Highschool Diploma
*TOR if College / Form 137 Highschool


Q: Ano po ang age, height, and weight requirements?

A: COMMON Requirements
Age: 21 – 34-year-old.
*For Male
Height: 165cm Weight: 80 kls below
*For Female
Height: 152cm Weight: 60 kls below

Kung sa POEA, kalimitan ay wala pong inilalagay na height/weight requirements. Ganoon din po sa age, ngunit kalimitan ay below 35 years old ang tinatanggap. Mayroong instances, (though bibihira lamang) na kahit 45 years old ay tinatanggap. Para makasigurado ay makabubuting makipag-ugnayan sa POEA Hotlines 722-11-44 / 722-11-55.


Read: Taiwan Job Vacancies (September 2018)


Q: High school graduate po ako. Puwede kaya akong mag-apply?

A: Oo. Depende kasi iyan sa requirements na hinahanap ng mga employers. Ang pinakaunang tinitignan nila ay ang work experience. In demand sa Taiwan ang mga may work experiences sa Electronics, Semiconductors, Factories, Machine Operators, CNC etc.

Kalimitan ding requirement ay at least College/Vocational/Short Course level o at least College(two years)/Vocational graduate.

May mga employers ding tumatanggap kahit sa mga first timers or wala pang work experiences.


Q: Okay lang po ba ang may tattoo na applicant?

A: Kalimitan po ay hindi puwede, ngunit mayroon pa ring ilang agencies na tumatanggap ng mga aplikante na may tattoo, depende sa location(visibility), at sa size .


Q: Ang mga left-handed ay tinatanggap din po ba?

A: Mayroon pa ring ilang agencies na tumatanggap kahit na left-handed ka.


Q: What if may kulang, like for example ay putol po ang isa kong daliri sa paa/kamay?

A: Malamang ay hindi po kayo qualified.  You can also ask the agency kung puwedeng i-consider.


Q: Paano po kung color blind?

A: Hindi po kayo qualified. Puwede rin po ninyong itanong sa agency upang makasiguro.


Q: Kailangan pa po bang mag-aral ng Chinese?

A: Hindi na po. Sa Taiwan ninyo na po pag-aaralan ang Mandarin Chinese(Ko-yi). Ngunit, mas may advantage ka kung marunong ka ng lenguwahe na ito. Marami ang languages sa Taiwan  ngunit ang Mandarin Chinese ang pinaka-“Tagalog” nila kung ihahalintulad sa Pilipinas.


Read: Interview Techniques for OFWs (Taiwan bound)


Q: Lahat po ba ng companies sa Taiwan ay malaki magpasahod? 

A: Sadly, hindi lahat. May mga malalakas na companies sa Taiwan at magaganda ang benefits, ngunit mayroon ding mahihina. Sa katunayan, iyong iba nga ay naglay-lay-off din ng employees.


Q: Kapag requested ka po ba sa isang company ng iyong kakilala ay sigurado ng matatanggap ka?

A: Malaki ang chance na matanggap ka, ngunit hindi 100 percent. Dadaan ka pa rin kasi sa exams at interviews. Depende rin iyan sa nagre-request sa iyo kung maayos ang kaniyang performance sa company.


Q: Magkano ang sahod ng mga factory workers sa Taiwan?

A: Ang minimum wage sa Taiwan ay NT$22,000. Isang paglilinaw- hindi mo yan matatanggap ng buo, ngunit mas mataas pa ang makukuha mo diyan KUNG malakas ang inyong company sa overtime.


Q: Bakit po hindi ko siya matatanggap ng buo?

A: Narito ang mga deductions na kinakaltas buwan-buwan. Broker’s fee, Health Insurance, Labor Insurance, Tax(refundable), Food  and Accomodation. Hindi pare-pareho ang ikinakaltas ng mga companies sa Taiwan, kaya’t mas maiging magtanong sa inyong Broker kung sakaling mayroon kayong nais na linawin tungkol sa mga deductions.


read: Buhay ng mga OFWs sa Taiwan


Q: Magkano po ang placement fee?

A: On average, ang placement fee ay P60k. Depende po iyan at hindi pare-pareho. Mayroon ding agencies na NO PLACEMENT FEE policy. Kalimitan din sa POEA ay walang placement fee ngunit may processing fee na binabayaran.


Read: Tips upang hindi maloko ng mga Illegal Recruiters


Q: Kapag may scar sa lungs, may pag-asa pa po bang makapunta  sa Taiwan?

A: Kapag matagal na siyang naghilom(dahil nga sa peklat o scar na lang siya), ay mayroon ka pa ring pag-asa na makapag-Taiwan, NGUNIT depende pa rin po yan sa clinic o sa recruitment agency  na inyong in-applyan, kung papayagan kang makalabas ng bansa o hindi.

Mas maigi ring magpa-second opinion para makasiguro.


Q: Kapag natapos na po ba ang Visa appearance(TECO) ay 100 % ng makakaalis? 

A: May mga rare(bihira) cases na hindi po natutuloy ang mga aplikante or hindi nakakaalis ng bansa. That is based upon the decision of the employer at hindi sa recruitment agency. 


Q: Bakit po iyong ibang aplikante ay natatagalang umalis ng bansa at iyong iba ay mabilis lang? 

A: Una, ask the agency kung Manpower Pooling ba o URGENT ang ina-applyan mong trabaho. Ano ang pooling? Ang pooling ay tumatanggap ang isang agency ng mga aplikante NGUNIT ang totoo ay wala pa talagang job order, upang sa oras na magkaroon ay madali na lang silang makakuha ng applicants. Kumbaga ay naka-reserve ka na. Bakit naman natatagalang makaalis ang ibang applicants? Wala naman sigurong matinong agency na gugustuhing matagal makaalis ang kanilang mga aplikante  di ba? Inaantay kasi nila ang GO SIGNAL ng employer. 

Puwede ring tumawag sa POEA to verify the availability of a specific job order.


Q: Gusto ko po sana magpatulong sa agent, kasi nahihirapan na ako sa pag-aapply. Okay lang po ba?

A: Okay lang, as long na hindi siya scammer. Paano ka makakasiguro? Una, kapag sa umpisa pa lang ay hinihingian ka na ng pera, ay magduda ka na. Pangalawa, kunin ang kaniyang picture at iba pang details ng kaniyang identity at itanong sa mismong recruitment agency kung saan(daw) siya affiliated. Pangatlo, magbayad ka sa kaniya KUNG siguradong makakaalis ka na(o depende sa pinag-usapan ninyo). Do your research din at magtanong-tanong sa mga Facebook groups kung kilala nila ang agent na kausap mo at make sure na hindi niya kasabwat ang mga taong nagbibigay ng feedback sa ‘yo.


Read: Listahan ng mga Recruitment Agencies sa Pilipinas (Taiwan bound)

Comments

Leave a Comment

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

error: Content is protected !!
Skip to toolbar