Nanliao Harbor, Hsinchu City

Ang Nanliao/Hsinchu Harbor ay matatagpuan sa North District ng Hsinchu City sa Taiwan. Ito ang pinakadulo ng tinatawag na “The 17 Km Scenic Coastal Area sa Hsinchu”Nilikha ito noong dekada otsenta para sa mga mangingisda. Lumipas ang panahon at ginawa na rin itong pasyalan. Sa kasalukuyan ay may mga activities dito gaya ng kite-flying, sea-viewing, at cycling. Maraming seafood restaurants dito at mayroon din silang malaking Fish Market.

pool at Nanliao Tourist Information Center
Ang bagong gawang pool para sa mga bata sa harap ng Nanliao Tourist Information Center. Sa bandang kaliwa ay may buhanginan kung saan naglalaro din ang iba pang mga bata.

 

Nanliao sea viewing

Sea-viewing sa Nanliao Harbor, Hsinchu City.

Sa bandang kanan ay open grounds para sa mga gustong magpalipad ng saranggola. May mga nabibiling saranggola sa tabi ng Fish Market. Mga ready-to-fly na, dahil sa kumpleto na ang mga ito. Kasama na rin sa isang set ang lubid nito.

 

Tuna in nanliao

Ang malaking estatwa ng tuna sa Nanliao Harbor.

Marami ang restaurants dito ngunit medyo may kamahalan ang mga pagkain. Upang makatipid ay pwedeng magbaon. Ito ang karamihang ginagawa ng mga turistang Taiwanese. Naglalatag sila ng pansapin na animo’y maliit na banig at sa mga silong ng puno sila kumakain at nagpapahinga. Napapaligiran nila ang gusali ng Nanliao Tourist Information Center.

Sa ngayon ay under renovation pa ang iba pang bahagi ng pasyalang ito, ngunit majority nito ay pupuwede nang puntahan at i-explore.

Puwede ring mag-rent ng bikes. Maraming klase ang puwedeng pagpilian. Mayroong motorized(hybrid) at mayroon ding de-padyak. Mayroon ding mga single lang. Maraming puwesto dito ang nagpapa-renta ng bikes. Mayroon sa Shuttle Bus Terminal, sa Nanliao Tourist Information Center, at mayroong dalawa pa kaming nakita.

 

Electric bike rental for Nanliao

For rent na motorized or electric bike.Tamang-tama para sa dalawang tao. 400 NT$ for two hours. Mayroon ding mas malaki na kasya ang apat na katao. Mayroon pang kasya ang anim. Bago kayo makapag-rent ay hahanapan muna kayo ng ID gaya ng ARC. Ipapaiwan nila ito at makukuha din ninyo sa oras na isasauli na ang bike.  Huwag kalimutang dalhin ang ARC kung binabalak ninyong mag-biking.

Kanhai Park

Ang Kanhai Park. Maraming vendors dito tuwing linggo. Kalimitang ibinibenta nila ay grilled sausages na worth 40NT$ per piece.

Kanhai Park sa Hsinchu
Ang larawang ito ay kuha malapit sa Kanhai Park. Humigit-kumulang sa dalawang kilometro ang layo nito mula sa Nanliao Harbor. Dito rin makikita ang isa pang estatwa ng isang malaking isda. Madali lang itong puntahan kung mag-aarkila kayo ng bisekleta.
Biking Trail sa Nanliao, Hsinchu
Biking Trail sa Nanliao, Hsinchu

Paano puntahan ang Nanliao Harbor?

Mula Hsinchu City/Hsinchu Train Station ay aabot ng humigit-kumulang sa 30 minutes ang biyahe. Mayroong shuttle bus para dito at BL 15 ang kaniyang numero. Ang itinalagang terminal ay malapit sa SOGO Mall.

Nanliao shuttle bus terminal
Malapit din ang Nanliao shuttle bus terminal sa mismong train station. Mas convenient kung gagamit ng Easycard. More or less ay 15NT$ ang pamasahe(one way).

 


 Shuttle Bus terminal sa Nanliao.
Ito ang Shuttle Bus terminal sa Nanliao. Dito rin ang sakayan pabalik sa mismong Hsinchu City.
Shuttle Bus from Hsinchu to Nanliao
BL 15 Shuttle Bus Schedule

Click here for direct YouTube link


Paano puntahan ang Xiao Wulai Skywalk sa Taoyuan?

Paano puntahan ang Taichung Flower Farm sa Houli?

Comments
error: Content is protected !!
Skip to toolbar