Neiwan Old Street, Hsinchu County

Neiwan Old Street, Hsinchu County

Neiwan Old Street 內灣老街

Ang  Neiwan Old Street 內灣老街 ay isang kilalang tourist spot na matatagpuan sa Hengshan township 橫山 (south-eastern part of Hsinchu County). Ang mga Atayal(aborigines) people ang nakasasakop sa lugar na ito. Mayroon ding mga Hakka people na nakatira dito. May pagka-liblib ang pasyalang ito at aabot sa isang oras ang biyahe mula sa North Hsinchu(via train). Maganda ang tanawin sa lugar na ito at katabi siya ng isang malawak at mabatong ilog.

 

Noong unang panahon, ang pook na ito ang nagsilbing waypoint o daanan ng mga nasa logging and mining sectors. Sa pagdaan ng panahon, ang kalakarang ito ang nagbigay ng pag-unlad sa lugar. During 1960s ay nagsara ang mining industry at kasabay nito ay ang halos unti-unting paglaho ng kaniyang progreso.  Nagdaan ang panahon at unti-unting ipinakilala sa publiko bilang isa sa mga Old Streets ng Taiwan ang Neiwan. Huwag kalilimutang bisitahin ang kanilang Old Cinema(restaurant) kung saan ay makakakita po kayo ng mga antigong kagamitan at kung saan ay makakapanood din kayo ng mga lumang Taiwanese Films.

Inside of the Old Cinema
Credits: Inside of the Old Cinema

 

Sa kasalukuyan ay dinadayo ito ng mga turista during weekdays, at mas marami pa ang nagpupunta dito tuwing sumasapit  ang weekends.

Neiwan Station


Read also: Luchang(Nanzhuang)- A Village in the Clouds.

 


Paano Puntahan ang Neiwan?

Mode of Transport: Commute.

Puwede rin po kayong magdala ng sarili ninyong sasakyan kung gusto ninyo.

Mula sa North Hsinchu train station ay sumakay sa train na patungong Neiwan. May mga train na deretso ang biyahe sa Neiwan at mayroon ding mga biyaheng Liujia.

Upang makasiguro ay maaaring tanungin ang mga train conductors/crew upang hindi po kayo maligaw at maging smooth lang ang inyong biyahe.

Ito po ang pattern sa tamang pag-sakay/pag-transfer.

 

To Neiwan: From North Hsinchu->Zhuzhong->Neiwan.

To North Hsinchu/Hsinchu: From Neiwan->Zhuzhong->North Hsinchu/Hsinchu.

 North Hsinchu->Zhuzhong->Neiwan.
Zhuzhong train station. Dito po kayo bababa (for transfer). Iba po ito sa Zhudong station.

 

 

 

Note: Kung minsan ay mayroon ding train(two-wagon) na deretso ang biyahe from North Hsinchu to Neiwan.


Direct YouTube Link

 

Google Map Coordinates

 

Go-Kart rates in Neiwan
Go-Kart rates
Comments

Leave a Comment

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

error: Content is protected !!