OFWs sa Taiwan

Buhay OFW sa Taiwan

Ang realidad ng buhay ng isang OFW sa Taiwan.


PROs


  • Malaki ang sahod sa Taiwan. Totoo iyan, kung malakas ang overtime sa kumpanya na iyong napuntahan. Kung mahina? Mababa rin po ang inyong sasahurin. Mahalagang magtanong o magsagawa ng sariling research ukol sa kumpanyang inyong binabalak na applyan. Sumali sa mga groups na ito sa Facebook at dito magsagawa ng sariling pananaliksik-Job Applicants bound to Taiwan, TAIWAN applicant FACTORY WORKER, OFW SA TAIWAN, Mga Applikante paTaiwan
  • Refundable ang expenses. Depende po ito sa kumpanyang napuntahan. May mga companies sa Taiwan na inire-refund ang expenses gaya ng placement, processing at medical examination fees. Mayroon ding libre ang accomodation at ang iba ay may food allowance na ibinibigay.
  • Maganda ang Taiwan. Ang bansang ito ay malaki ang pagka-kahawig sa Pilipinas. Marami din siyang likas na yaman na kagaya ng mga nakikita sa ating bansa. Isinusulong ng Taiwan Government at sinusuportahan nila ang turismo sa bansang ito.
  • Cyclists’ Haven ang Taiwan. Kung mahilig ka sa cycling ay maganda ang Taiwan para sa iyo. Maraming magagandang klase ng bike brands na ginagawa mismo dito kagaya ng Merida at Giant. Safe din ang mag bike dito dahil may mga dedicated lanes.

Taiwan is a haven for OFW cyclists
Maganda ang Taiwan para sa mga OFWs na mahilig sa cycling.

  • Homesickness is not a problem.  Para sa majority ng mga OFWs, ang homesickness ay hindi kalimitang problema dahil sa dami ng mga Pilipino dito. Marami ding mga pasyalan at libangan  dahil nga sa open country ang bansang ito. Kumpara sa iba pang mga bansa, ang alak at gambling(not all types) ay hindi ipinagbabawal dito. (Hindi ko po ini-endorse ang mga bagay na ito).
  • Taiwanese Cuisine. May chance kang matikman ang iba’t-ibang pagkain sa Taiwan. Malasa din ang kanilang mga pagkain ngunit napansin ko lang na medyo matabang. Umiiwas kasi sila sa mga pagkaing maaalat.
  • Maganda ang klima. Malaki ang similarity ng klima sa Pilipinas at sa Taiwan, maliban lang sa winter. Malamig ang Taiwan during winter at umaabot pa nga ng hanggang 9 degree celcius sa kapatagan. Karamihan sa mga bulubundukin at matataas na lugar ay umuulan ng niyebe.
  • The Internet is fast and cheap. More or less 599 NT(585NT discounted) for 30 days unlimited access sa internet(4G).
  • Taiwanese people are friendly. Karamihan sa kanila ay humble, friendly at matulungin. 
  • Transportation system is established. Maganda ang transportasyon sa Taiwan. Ang Railway System nila ay “through and through” .Marami ding bus routes at taxis. Kahit sa mga liblib na lugar, kalimitan ay sementado ang kalsada. Gumagamit sila ng Easycard for seamless payments sa transportations. High-tech po ang Taiwan dahil GPS equipped ang kanilang mga bus at may CCTVs sa loob.
  • Disciplined people. Karamihan sa kanila ay disiplinado. Malaki kasi ang impluwensiya sa kanila ng mga Hapones kaya’t na-adopt nila ang ibang values nila.
  • Company tours. Maraming companies sa Taiwan ang nag-ooffer ng company tours para sa kanilang mga empleyado. Iyong iba ay free at iyong iba ay may kaunti lang na babayaran. Isang pagkakataon ito na mapasyalan ang mga magagandang tanawin dito sa Taiwan.
  • Maraming pagkain/prutas/gulay na available sa Taiwan na matatagpuan din sa Pilipinas. May kamahalan nga lang ang prutas at gulay dito kumpara sa Pilipinas. Marami ding Pinoy stores dito, kung saan madali lang makabili ng mga sangkap/pagkain na galing sa Pilipinas, gaya ng bagoong, tuyo, de lata, at marami pang iba.
  • Second safest country. Ayon sa pahayagang Taiwan Today(2015), ang Taiwan ay kinokonsiderang  second safest country in the world.
  • Paid vacation. Once a year ay mayroong paid 7 days vacation ang isang OFW sa Taiwan. Tinatawag nila itong tersio. Pwedeng gamiting pa-unti unti or minsanan, kung nais mong magbakasyon sa Pilipinas. Iyong iba ay nagbibigay din ng Compensatory Leave or posio
  • Tax Refund. Ibinabalik ng Gobyerno ang Tax Refund na tinatawag. Kalimitan ay makalipas ang isang taong pagta-trabaho ng isang OFW sa Taiwan.

Shimen Dam, Taiwan, OFW pasyalan
Shimen Reservoir sa Taoyuan, Taiwan. Isa ito sa mga paboritong pasyalan ng mga tourists at OFWs. Maganda ring destinasyon para sa mga cyclists.

BONUS: As an OFW, pwede kang manalo ng Millions sa Taiwan Receipt Lottery

Available jobs sa Taiwan as of May 23, 2018

Chunghwa UNLI 4G Internet: Basahin ito bago bumili.


CONs


  • Accomodation. Ang tipikal na laman ng isang room ay anim na tao. Kalimitan ay binabayaran ito ng mismong OFW. Kasama na dito ang water at electricity bills. Separate na bayarin ang aircon bills, kung mayroon. Maliban pa dito ang monthly broker’s fee. (Average size of a room is 6 meters x 3.5 meters). May ibang companies na libre ang mga ito, ngunit bibihira lamang.
  • Rate. Kung hindi kalakasan ang napuntahang kumpanya ay bihira lang or walang OT(overtime). Mababa lang ang sahod. Kaya nga naririnig natin kung minsan, “swertehan lang ang pagta-Taiwan”.
  • Seasonal. Malamang narinig mo na ito sa mga OFWs sa Taiwan. Ang tinutukoy na seasonal ay ang OT or overtime. May mga buwan kasi ng taon na malakas ang gawa sa mga companies. Normal lang po ito, dahil halos lahat ng kumpanya ay nararanasan ito. Ang mahirap lang talaga mapuntahan ay iyong mga kumpanyang mahina or wala talagang overtime. 
  • Loved ones. Syempre, mapapalayo ka sa mga mahal mo sa buhay.
  • Language barrier. Hindi madaling matutunan ang salitang Mandarin. Kung mali ang bigkas ay hindi kayo magkakaintindihan. Advisable na mag-install ng Google Translate app sa phone. Traditional Chinese ang ginagamit nila dito. Maraming lenguwahe sa Taiwan, ngunit Mandarin ang pinaka-common. Ito ang lingua franca nila.
  • Christmas and New Year. Kumpara sa Pilipinas, ang Pasko at Bagong Taon(Gregorian Calendar) ay hindi significant sa kanila. Although may mga Kristiyano ding Taiwanese. Hindi nila ito ipinagdiriwang nang kagaya sa nakaugalian nating mga Pilipino.
  • Cost of Living. Mas mahal ang cost of living sa Taiwan kung ikukumpara sa Pilipinas.
  • Filipino dish. Bihira ka nang makakatikim ng mga Filipino dishes. Sa ibang dormitoryo ay ipinagbabawal totally ang pagluluto, ngunit sa iba ay okay lang. May nabibili din namang Filipino foods(lutong-bahay) sa labas, depende sa inyong lokasyon. Average price is 30 NT(Php 50) per viand.
  • English is not a priority. Marami sa mga Taiwanese ay hindi alam ang mag-English. Hindi po kasi ito priority sa kanila, kung ikukumpara sa mga Pinoy. Masanay ka na sa bagay na ito.
  • Gaan/hirap ng trabaho. May mga companies na magaan ang trabaho at mayroon ding mahirap. Ganoon din sa department kung saan ka maa-assign. May departments na malakas ang OT at mayroon ding mahina. “Swertehan lang”, ika nga.
  • Walang Philippine Embassy dito sa Taiwan. MECO or Manila Economic and Cultural Office ang tumatayong embahada ng Pilipinas dito.

Disclaimer: 

This article is written to provide anyone a hint about an OFW’s typical life in Taiwan.
Its aim is neither to entice nor to discourage anyone in his/her endeavors in pursuing a job abroad. This is NOT A GENERALIZATION. HINDI LAHAT ng Pinoy/Pinay sa Taiwan ay ganito ang buhay/kalagayan.


 

Comments

Author:

An adventurer that loves exploring places with a passion for computers-both software and hardware.

Leave your comments here

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.