Paano mag-apply sa POEA?

 

* 1ST: Mag register po sa POEA website at hanapin ninyo po ang E-registration at i-take note ang E-Registration number ninyo.
* 2nd: Kumuha po kayo ng PEOS CERTIFICATE online. Search ninyo lang po sa Google at doon po kayo sa module ng skilled workers. Kumpletuhin at sagutan ang lahat ng modules doon upang makuha ninyo ang certificate. 
*3rd : Dalhin ang photocopies ng mga documents ninyo with your detailed CV/Résumé.

 

Read: Interview Tips for Filipinos (Taiwan-bound)

 

Listahan ng mga requirements :

 Résumé – PSA BIRTH CERTIFICATE – PASSPORT – UMID – COE (CERTIFICATE OF EMPLOYMENT) – NBI (MULTIPURPOSE) – PEOS (PRE EMPLOYMENT ORIENTATION SEMINAR) – DIPLOMA – FORM 137 FOR HS GRAD – TRANSCRIPT OF RECORDS FOR COLLEGE GRADS – TAIWAN HEALTH CARD AND ARC FOR EX-TAIWAN – 2X2 PIC 

: tapos ilagay ninyo sila lahat sa LONG folder na naka fastener and sa harap po ng folder ay isulat ang:
COMPLETE NAME : 
E-REGISTRATION NO. :
COMPANY NAME: (yung name po ng company na aapplyan mo)

Sample POEA Folder Format for direct hiring
Sample Format (ctto)

*4th : PUNTA PO KAYO SA WINDOWS “S” OR “T”   at doon po kayo mag-papasa.

NOTE: KAPAG MARAMING JOB OPENINGS, OKAY LANG NA APPLYAN NINYO SILA NG SABAY-SABAY PERO KADA ISANG COMPANY PO AY ISANG SET NG REQUIREMENTS DIN.

POEA hotlines
For your inquiries, please contact POEA directly.

QUALIFICATIONS: AT LEAST HS GRAD (DEPENDE SA COMPANY NA OPEN). NO HEIGHT AND WEIGHT LIMITS. NO AGE LIMITS. WITH TATTOOS ARE OKAY. KAHIT NO EXPERIENCE(DEPENDE SA COMPANY) AY OKAY LANG AT ANG IMPORTANTE AY KUMPLETO ANG MGA DALIRI.

UULITIN KO LANG PO PARA SA MGA NALILITO, ANG TAIWAN HEALTH CARD AT ARC AY PARA LAMANG PO SA MGA NAKAPAG TRABAHO NA SA TAIWAN DATI .

DALHIN NYO DIN PO ANG MGA ORIG DOCS NYO, KASI MINSAN TINITIGNAN PO NILA, DEPENDE PO SA COMPANY NA OPEN.

MAY MGA SCAMMERS PO NA NAG-PPM(PRIVATE MESSAGE) AT NAG SASABI NA MAY OPENINGS SA POEA. NEED DAW MAG TRAINING AT MAY BAYAD O KAYA MEDICAL MUNA BAGO INTERVIEW. MAG-INGAT SA KANILA!


Read: Important Contacts for OFWs in Taiwan


PARA PO SA FIRST TIMERS, WALA PONG MONEY INVOLVED HANGGAT DI KA PA SELECTED AT KUNG MASE-SELECT KA NAMAN AY SA CASHIER LANG PO NG POEA ANG TRANSACTION AT HINDI SA TAO. HINDI SA BANK TRANSFER AT LALONG HINDI SA REMITTANCE . BE WISE PO!

MAHIRAP KUMITA NGAYON, HUWAG PO KAYO MAG PAPA-LOKO . 
KAHIT PO SA MGA RECRUITMENT AGENCIES, SA CASHIER LANG DIN PO NILA ANG PAYMENTS .

ALWAYS VISIT THE POEA WEBSITE TO CHECK FOR JOB VACANCIES AND QUALIFICATIONS PO. 

GOOD LUCK PO SATING LAHAT AND GOD BLESS!

********************************************
PAANO KUMPLETUHIN ANG MGA REQUIREMENTS FOR TAIWAN APPLICANTS?

1. PASSPORT – magset ng appointment at www.dfa.gov.ph. Hanggat maaari, huwag po kayo magpapa-set sa iba, kasi mahal. Pero nasa inyo pa rin ‘yan. Kumpletuhin ang lahat ng requirements for DFA para hindi po kayo magpa-balik-balik.

ADVISE: kapag kumuha po kayo ng PSA BIRTH CERTIFICATE dalawang kopya na po kunin ninyo, kasi kinukuha sa DFA ang ORIG.

2. UMID or UNIFIED MULTIPURPOSE ID – pumunta lang po kayo sa pinaka malapit na SSS BRANCH. Libre po un para sa mga di pa nakakuha dati. Kailangan lang po mag fill-up ng form for UMID at SSS number na may at least 3 months na hulog. Di na kailangan ng 2 valid ID’s para lang makakuha. May mga nag-sasabi po kasi na dapat magdala ng 2 valid ID’s. Makukuha ninyo na po iyon after 1 month lang(more or less).

3. PEOS or PRE EMPLOYMENT ORIENTATION SEMINAR – makukuha ninyo po iyan online. Search nyo lang po sa Google, tapos iyong module po ng SKILLED workers ang piliin nyo. Kumpletuhin ninyo po lahat ng modules para makuha nyo ang CERTIFICATE and then print it out .

4. E-REGISTRATION NUMBER for PEOA applicants – pumunta po sa POEA website, then hanapin ninyo po ung e-registration . Para po doon sa mga nakapag-register na dati at nakalimutan na ang log in(details) nila, hindi na po kayo makakapag-register uli. Pumunta po kayo sa POEA sa, dulong pinto (near window S and T) at ibibigay po sa inyo ng mga IT doon ang information ng log in details ninyo .

5. NBI – multipurpose na po ang NBI ngayon.

6. DIPLOMA / FORM 137 FOR HS GRAD / TOR FOR COLLEGE GRAD – sa school po makukuha ang mga iyan. Iwasan po ang fake docs .

7. CERTIFICATE OF EMPLOYMENT O COE – makukuha po iyan sa previous employer ninyo .

8. PSA BIRTHCERTIFICATE – kung saan po kayo kumuha ng NSO doon din po iyan nakukuha. Same process, same amount. LOGO lang po ang pinag kaiba.

Note:

regarding sa VOTER’S -> kung wala po kayong VOTER’S ID, pwede na po ang VOTER’S CERTIFICATE NA MAKUKUHA NINYO PO SA COMELEC SA MUNISIPYO ninyo. Para po sa mga hindi pa REGISTERED VOTERS, puwede po kayo kumuha ng CERTIFICATE OF NON-REGISTRATION SA COMELEC.


 

 

 

credits


Note: The article above has been edited for clarification purposes.


 

 

Leave your comments here