Paano Mag-apply sa Taiwan?

Paano Mag-apply sa Taiwan?

Ito ang karaniwang itinatanong ng mga kapwa Pilipinong gustong magkaroon ng hanapbuhay dito sa bansang Taiwan.

 

Mga dapat isaalang-alang bago mag-apply sa bansang Taiwan:

You are not registered late. Ano ang ibig sabihin nito? Siguraduhing nai-register(birth) ka before 20 years old.

21 – 35 years old ang kalimitang tinatanggap sa Taiwan. Kung minsan ay mayroon ding hanggang 40 years old.

Fit to work ka at walang mga nakaka-hawang sakit gaya ng HIV or TB(Tuberculosis).

✔ Your height and weight are proportionate. Ibig sabihin ay tama lang ang height at timbang. 

Wala kang derogatory or criminal records.

Walang visible(on plain sight) or malalaking tattoos, though ang iba ay natatanggap din kahit may tattoo, ngunit bihira lamang ang ganitong cases.

 

Basahin din ang article na ito para sa mga karagdagan pang mga detalye.

 

Workabroad’s article regarding Medical Exam.

Paano mag-apply sa Taiwan?
Chiang Kai-Shek Memorial Hall, Taiwan

 

Paano Mag-apply sa Taiwan?

Heto ang mga karaniwang requirements na hinahanap ng mga recruitment agencies. Isa-isahin natin kung paano kukunin ang mga documents na ito. Ita-tackle lang po natin ang mga medyo komplikadong i-avail na documents.

Paano Mag-apply sa Taiwan?
Credits to City Employment Center Incorporated

⇒ Passport. 10 years na po ang validity ng Passport ngayon at high-tech na. Mayroong na siyang embedded na electronic chip kaya’t ingatan po nating mabasa or mayupi ang dokumentong ito. Puwedeng ikaw mismo ang mag-avail sa pinakamalapit na DFA branch o di kaya’y puwede ring magpa-assist sa mga licensed travel agencies. DFA’s online appointment.

NBI Clearance. Importanteng “multipurpose” po ang inyong kukunin.

⇒ UMID or Unified Multi-purpose ID. Magpunta sa pinakamalapit na SSS office. Very important. Hindi ka po makakapag-trabaho sa Taiwan kung wala ka nito. May katagalan ang processing nito, kaya’t mas maganda kung ito ang pinakauna mong i-avail sa lahat ng required documents.

⇒ NSO. Take note na PSA na po ang kailangan ngayon. Kung kukuha po kayo ng PSA BIRTH CERTIFICATE ay DALAWA na po ang kunin ninyo dahil ang isang original copy ay kinukuha(required) po nila sa DFA. Heto po ang link.

⇒ PAG-IBIG MID. Magsadya sa pinakamalapit na PAG-IBIG branch upang makapag-avail ng PAG-IBIG Membership ID.

 Voter’s ID/Certificate. Kung ikaw ay registered voter at wala pang ID, ay puwedeng ipakita sa recruitment agency ang ibinigay na certification ng COMELEC. Kung hindi ka naman registered ay kinakailangan mong magsadya sa COMELEC Intramuros upang makakuha ng Certificate na nagpapatunay na ikaw ay hindi registered na botante. COMELEC Contacts.

 ARC (Alien Residence Certificate) /Health Insurance ID. Required lang po ito sa mga ex-Taiwan. Kung ikaw naman po ay ex-abroad(not Taiwan), ay kinakailangan mong mag-avail ng INFORMATION SHEET mismo sa POEA.

⇒ PEOS Certificate. I-print po ninyo ito pagkatapos. Ito po ay nakukuha online. Please BE CAREFUL in filling-up, dahil mahihirapan na po kayong baguhin ang mga naka-input na data kung kayo ay nagkamali. I-double check po ninyo ang mga data bago i-submit. Siguraduhin ninyo rin po na VALID ang email address na inyong gagamitin, dahil dito po ipapadala ng POEA ang confirmation links/codes. I suggest na i-test ninyo muna ang email kung sure po na ito’y inyong nabubuksan. Always check also the SPAM section of your submitted email address. PEOS’s link.

eReg or eRegistration. Ipi-print din po ninyo ito. Kailangan po ninyong i-double check ang mga data na ii-input ninyo dito, dahil kapag nagkamali kayo ay pupunta pa kayo or tatawag sa POEA upang ito ay ipaayos. Here’s the link for eReg.

 

Be ready for on the spot exams and interviews upon job inquiries. Mayroon ding mga recruiters na hindi tumatanggap ng resume dahil meron silang sariling bio-data na dapat mong i-fill up mismo sa kanilang agency. Palagi ding magdala ng colored 2×2 pictures na may white background(shirt with collar).


Read: The Latest Job Openings in Taiwan (October 21, 2018)


Once completed(requirements) ay siguraduhing mag-apply ng personal sa mga licensed recruitment agencies upang makaiwas sa mga illegal recruiters. Heto po ang link kung saan puwedeng i-verify ang validity ng lesensiya ng isang recruiment agency. Puwede ring tumawag at magtanong sa POEA Hotlines: 722-11-44, 722-11-55

Puwede rin po kayong sumali sa mga groups sa Facebook kung saan ay nandoon ang mga kapwa ninyong aplikante na maaring pagtanungan. Beware of illegal recruiters, dahil kung minsan ay kasali din po ang mga iyan sa mga groups/group chats. MAG-INGAT!

Important!

Sa oras na kailangan mo nang magbayad ng placement fee. Tandaan na ang placement fee ay binabayaran lang MISMO sa cashier ng recruitment agency at hindi kung kani-kanino at saan-saan lang.

Kapag na-qualify ka na sa isang interview ay basahin ang TIPS na nakasaad dito. Mas magandang magkaroon ng multiple job applications sa iba’t-ibang agencies. Depende na lang sa mauuna, kumbaga. Mahalaga ding magkaroon ng sariling research tungkol sa company na nais mong applyan. Ugaliing magtanong sa mga groups/forum sa Facebook.


TECO/Visa Appearance and PDOS

Pagkatapos ng dalawang processes na ito ay malapit-lapit na po ang iyong flight schedule.

 

Medical Examinations

Important to note. 90 days lang ang validity ng Medical Certificate from the day of examination.

Phase 1

→ Stool

→ Urine

→ X-ray

→ Blood test

→ Eye test (Ishihara/color blind test ay kalimitang isinasagawa sa mismong agency)

→ Dental & Hearing exam/test

 

 

 

List of Accredited Hospital and Clinics for Health Certificate(Taiwan bound)

 

Phase 2

→ Flu Vaccine(not a test)

→ Physical Examination

→ Psychological Test

 

Phase 3

Nagulat ka ba at mayroon pang Phase 3?

Sa Taiwan na po ito. Pagdating dito sa Taiwan ay deretso po kayo sa Medical Exam. Kung minsan ay isinasagawa ito during the next day of arrival.

Kasama sa medical exam ang BP, eye, stool, x-ray,  at blood tests. Mayroon ding height and weight measurements. Madali lang itong matapos. Aabutin lang ng more or less two hours.


Read: Tips for OFWs na biyaheng Taiwan

Read also: Paano mag-apply sa POEA?


 

 

Did we miss something? Kung mayroon man kaming nakaligtaan ay puwede mong i-comment sa ibaba.

 

 

Comments

2 thoughts on “Paano Mag-apply sa Taiwan?”

Leave a Comment

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

error: Content is protected !!