Shifen Waterfalls & Pingxi Sky Lantern

Shifen

Mayroong dalawang pangunahing attractions na pumapasok sa ating isipan tuwing naririnig natin ang lugar na Shifen (十分 Shífēn). Waterfalls at Sky Lanterns. Mukha bang pamilyar? Nagawi ka na ba sa mga lugar na ito?

Advertisements

Shifen Old Street
Pingxi Sky Lanterns

sky lantern (天燈; tiāndēng), also known as Kongming lantern or Chinese lantern, is a small hot air balloon made of paper, with an opening at the bottom where a small fire is suspended. – Wikipedia

 


Sky Lanterns @ Shifen Old Street

Alam mo bang ang pagpapalipad ng mga sky lanterns sa iba pang mga bansa ay ipinagbabawal na? Sanhi ito ng mga insidente ng pagkasunog na nagiging dulot ng maling paggamit o pagpapalipad ng mga ito sa himpapawid.

Galing ang konseptong ito buhat pa sa sinaunang China (3rd century BCE), at ginagamit bilang signal(sa digmaan), ginagawang laruan o sa kanilang mga selebrasyon. Sa kasalukuyan, ay mayroon pa ring mga bansa na pinahihintulutan ang paggamit nito. Kabilang dito ang mga bansang China, India, Japan, Portugal, Brazil, Thailand, at syempre ay ang bansang Taiwan.

Shifen Old Street. Ito ang lugar kung saan matatagpuan ang maraming turista na galing pa sa iba’t-ibang panig ng mundo. Kalimitang makikita dito ang mga manlalakbay na galing pa sa Pilipinas, Korea, Japan, India, US, at Indonesia. Dito rin ginaganap taon-taon ang tinatawag na Sky Lantern Festival.


…sky lanterns are released into the night sky with people’s wishes written, to send the wishes and messages to God. – Wikipedia


Color coded. Narito ang chart o guide kung saan ay may mga kaakibat na kulay ang bawat wish na gusto ninyong isulat sa  mismong lantern. – credits to Wikipedia

 

What to expect:

  • Palaging umaambon dito, lalo na sa winter. Don’t worry, may mga nabibili namang raincoats sa old street.
  • Sky Lanterns’ price range: 150 – 500 NTD.
  • Walang entrance fee ang Shifen Waterfall.
  • Opening hours of Shifen Falls ay 09:00 -16:30.
  • Maraming kainan dito at reasonable ang prices.
  • Maraming tourists dito at halos all-year-round.
  • Download the Taiwan Railway Timetable app. Makakatulong ito sa pag-monitor sa schedule ng train sa Pingxi Line.

Shifen Waterfalls

Ang Shifen Waterfalls at Shifen Old Street ay halos magkalapit lamang. Kaya’t ang mga turista ay nagpupunta sa falls na ito pagkatapos nilang magpalipad ng lanterns. Aabot ng humigit kumulang sa 20 minutes, kung lalakarin mula sa old street hanggang sa falls. Sundan lang ang riles at mga kratula at tiyak na kayo’y makakarating sa Shifen falls. Mayroon ding mga taxi na nag-aalok ng serbisyo kung sakaling sila’y kakailanganin at sisingilin nila kayo ng 100 NT per ride.


How to get to Shifen?

From Taipei Main Station, take a train, straight to Ruifang. Then, from Ruifang train station, transfer to Pingxi Line. Next, get off at Shifen.


 

Watch: A Ride to Shifen;

or here @ my YouTube Channel.

Advertisements

Read/watch also:

Advertisements

The Formosan Aboriginal Culture Village 九族文化村

Comments
Secured By miniOrange