buhay OFW sa Taiwan

1 Posts Back Home

OFWs sa Taiwan

Buhay OFW sa Taiwan Ang realidad ng buhay ng isang OFW sa Taiwan. PROs Malaki ang sahod sa Taiwan. Totoo iyan, kung malakas ang overtime sa kumpanya na iyong napuntahan. Kung mahina? Mababa rin po ang inyong sasahurin. Mahalagang magtanong o magsagawa ng sariling research ukol sa kumpanyang inyong binabalak na applyan. Sumali sa mga groups na ito sa Facebook at dito magsagawa ng sariling pananaliksik-Taiwan Job Hiring, Job Applicants bound to Taiwan, TAIWAN applicant FACTORY WORKER, OFW SA TAIWAN, Mga Applikante paTaiwan >Refundable ang expenses. Depende po ito sa kumpanyang napuntahan. May mga companies sa Taiwan na inire-refund ang expenses gaya ng placement, processing at medical examination fees. Mayroon ding libre ang accomodation at ang iba ay may food allowance na ibinibigay. >Maganda ang Taiwan. Ang bansang ito ay malaki ang pagka-kahawig sa Pilipinas. Marami din siyang likas na yaman na kagaya ng mga nakikita sa ating bansa. Isinusulong ng Taiwan Government at sinusuportahan nila ang turismo…

Navigate