Visa-Free Program EXTENDED for Filipino Tourists! (Taiwan-bound)

Visa-Free Program officially extended until July 31, 2019!

Good news!
 
 

Officially extended!

 
Ayon sa report, extended ng isang taon ang visa-free program ng Taiwan para sa mga Filipinos. Nagkaroon diumano ng magandang record ang mga bumisitang Pinoy sa Taiwan nitong mga nagdaang buwan. Mahigit sa doble ang bilang ng mga turistang Pinoy ang bumisita sa Taiwan, simula noong ipinatupad ang visa-free program. Mula sa 172,475 ay naging 290,784 ang naging kabuuang bilang nila.
visa-free for Filipinos
Ang kabundukan ng Taiwan.
Nagkaroon diumano ng positive impact ang program na ito, lalong-lalo na sa  mga businesses sa Taiwan. Ang isang Pinoy tourist ay pinapayagang mag-stay ng  hanggang 14 days.
 
Kabilang sa mga bansa na hindi kailangan ang visa(Taiwan-bound) ay ang Brunei, Thailand, Singapore, Thailand at New Zealand.

Read: Tips para sa mga OFWs na biyaheng Taiwan.


Tips:

Sa mga nagbabalak mag-bakasyon sa Taiwan.

Requirements:

*Passport. At least more than 6 months bago mag-expire.
*Hotel accommodation
*Round trip plane ticket
* Pera(of course)

(Optional)
*NBI clearance
*Invitation letter

“Magpa book na kayo ng hotel bago kayo umalis ng Pinas. Ipa-print ninyo ang hotel accommodation. Hahanapan po kasi kayo niyan sa Immigration. Hindi pwede ang calling card lang ng hotel at dapat ay naka detalye sa accommodation ang name at address (ng hotel). Ilagay din kung  ilang araw kayo doon sa hotel.

Ang invitation letter ay kukunin ng mga kakilala ninyo (like bf/gf) sa MECO Taipei or Taichung. Pumunta lang sila doon sa MECO at humingi sila ng invitation letter. I-fill up nila at ise-send sa inyo. Then ipi-print ninyo sa Pinas upang may maipakita kayo sa mga officers ng immigration sa airport.

Visa free for Filipinos
Sample Invitation Letter

Optional lang naman ang invitation letter, kaya lang, may mga ibang officers kasi na strict diyan sa airport. Hahanapan talaga nila kayo. Para makasigurado, mas maigi kung kumuha na lang.

NBI Clearance is optional too. May mga officers na naghahanap niyan. Inaalam lang nila kung sadya bang wala kang criminal record bago ka umalis ng Pinas. Kung may NBI clearance ka, dalhin mo na lang.

May mga SIM cards na inaalok sa Taoyuan Airport para sa mga foreigners. Kumuha po kayo dahil kakailanganin ninyo iyon.

Bumili na din kayo ng EasyCard(kung gusto ninyo) sa 7 11 or sa mga convenience stores gaya ng Family Mart, Hi-Life or OK Mart. 100 NT ang price nya, ngunit kailangan ninyo pong lagyan ng laman upang magamit. 300-500 NT ay okay na. Magagamit ito sa transportations, gaya ng buses at trains. Puwede ring ipambili ng goods sa mga stores, gaya ng Family Mart at 7 11.

Easycard-Taiwan

>Pagdating sa immigration ay relax lang po kayo. Kapag tinanong kayo ng officer ay huwag kakabahan. Stand straight at sumagot kapag tinatanong. Kung duda sila sa inyo ay lalo lang kayong gigipitin, kaya relax lang.

>Itagong mabuti ang mga tickets kapag nasa Taiwan na kayo.

>Hindi madali ang mag-tour sa Taiwan, unless may kasama kayo, or guide na sanay na sa mga lugar dito. Importanteng ready na ang itinerary bago bumiyahe.
>Kung marami kayo ay mas magandang mag rent ng car/van lalo na kung magkakalayo ang inyong mga pupuntahan.

Huwag magkakalat sa Taiwan ng basura. Mapapansin ninyong bibihira ang trash cans sa daan. Iuwi sa hotel o itapon sa mga basurahan ang mga kalat  at huwag itapon kung saan-saan lang.

Puwedeng magpapalit ng Peso to NT sa Taiwan Airport, ngunit hindi nila tinatanggap ang coins.

>Php 1,620.00 ang Travel tax
Php 520.00 naman ang Terminal fee”


Important: Sa mga gustong gumamit ng kanilang ATM Debit Card. Bago umalis ng Pilipinas ay siguraduhin ninyo po munang makakapag-withdraw kayo ng pera dito sa Taiwan. Please ASK your bank about it.

PayMaya – alternative for Credit Card.


Suggested places na pwedeng bisitahin.

Nanliao

Zhunan

Taoyuan

Luchang, Nanzhuang

Please visit the facebook group ” Mga Pasyalan sa Taiwan” for your questions.

Enjoy your visit!


Note: The above article has been modified for clarification purposes.

For Reference


100 Heavy Duty Mechanics wanted sa Canada!

Tips kung Paano Sumagot ng Tama sa Immigration Officer

Comments

Leave a Comment

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

error: Content is protected !!
Skip to toolbar