Xiao Wulai


Ang magandang pasyalan na tinatawag na Xiao Wulai (shaw-o-lai) ay matatagpuan sa Fuhsing Township, Taoyuan (taw-yin). Ito ang pinakaunang Skywalk sa Taiwan. 8 Million NT ang inilaan ng gobyerno upang ito ay i-develop. Ang walkway ay may habang 11 meters, at 70 meters naman ang taas mula sa pinaka-ibaba ng waterfall.

 Xiao Wulai Skywalk
Ang Xiao Wulai Skywalk sa Taoyuan.

Paano puntahan ang Xiao Wulai?

Kung malapit ka sa Zhunan, pwede mong abangan ang pagdaan ng THSR Shuttle Bus. Ihanda rin ang Easycard o Yoyo Card dahil ito ang kailangang gamitin sa Shuttle Bus. Hindi sila tumatanggap ng cash.

Bilang alternatibo, pwede ring mag-bus papuntang Hsinchu at dito na sumakay uli ng Train/Bus papuntang Taoyuan. 

Pagdating sa Taoyuan Train Station ay agad tumungo sa Taoyuan Bus Station at lapitan ang dispatcher. Ipakita ang sample ticket sa ibaba:

xio wulai ticket
Ang ticket na ito ay nagkakahalaga ng 150 NT at para sa round trip na biyahe. Ipakita lang ito sa bus driver. Tatatakan niya ito bago ka bumaba ng bus. Pwede ring gumamit ng Easycard sa shuttle bus.

 

Read: ACTRON TECHNOLOGY in Taiwan is Hiring!

 

Tip: may discount na 20NT sa entrance fee sa Xiao Wulai Skywalk kapag ipinakita mo ang shuttle bus ticket.

 


Bus number 502
Dito naka-puwesto ang dispatcher kung saan pwedeng bumili ng ticket. Ito rin ang bus number (502) na biyaheng Xiao Wulai.

Read: 6 Companies need Factory Workers in Taiwan


bus 502
Bus schedule ng Bus number 502. Left side ay departure from Taoyuan Bus Station. Right side ay departure from Xiao Wulai.

 


Bus 502 lane
Ang sign kung saan pwedeng pumila para sa shuttle bus.

 

Read: Things to do in Zhunan, Taiwan 

 

 

Xiao Wulai Shuttle Bus
Ang Xiao Wulai Shuttle Bus.

Xiao Wulai Shuttle Bus
Xiao Wulai bus stop. Aabot ng humigit-kumulang sa isa’t-kalahating oras ang biyahe.

 


Ticket booth para sa Skywalk.
Ticket booth para sa Skywalk. 50 NT ang entrance fee, ngunit may discount kapag ipinakita ang Shuttle Bus ticket.

 

Read : Five Scenic Spots in Houlong Township, Taiwan 

 

mini-trails in xiaowulai
Maganda ito para sa mga nature lovers. Maraming mini-trails na pwedeng akyatin at lakarin. Fresh pa ang simoy ng hangin. Huwag kalimutang magdala ng bug/insect spray, just in case.
Xiaowulai river
Ang ilog sa Xiaowulai

 

skywalk tempered glass flooring
Ang tempered glass na sahig ng Skywalk.

 

skywalk in Taoyuan
70 meters ang taas nito mula sa pinakaibaba ng waterfall. May nahulog na rin kayang smartphone dito? Naisip ko lang habang kinukuha ko ang larawang ito.

 

Read: A Ride to Luchang (Nanzhuang, Miaoli) (A Village in the Clouds)

 

 Xiaowulai. falls
Mala-turquoise na tubig ng isa sa mga waterfalls sa Xiaowulai.

 attractions maliban sa Skywalk.
Ang iba pang attractions maliban sa Skywalk.

 

Taoyuan hanging bridge
Kailangang ipakita sa taga-bantay ang ticket na nabili sa booth upang makadaan sa suspension bridge na ito. One way lang. May iba kasing daanan pabalik.

 Dragon and Phoenix falls in Xiaowulai
Ang Dragon Phoenix falls. Madadaanan ito pagka-tawid sa Hanging Bridge.

 

restaurants in Xiao Wulai
Marami ang restaurants dito kaya’t hindi problema kung saan pwedeng kumain.

 

Read: OSE in Kaohsiung is HIRING!

 

Tandaan:

shuttle bus route (map)
Ang ruta ng shuttle bus patungong Xiaowulai.

Bulubundukin ang lugar na ito, kaya maganda para sa mga Cyclists. Dalawang grupo ng mga siklista ang aming napansing umaakyat. Isang magandang destinasyon para sa mga mahilig mag-bike sa mga medyo matataas na lugar.

 

Additional info:

Pricing Table:
———————————————————————–
Category Admission Applicable to:
Regular 50NT General audiences
 
Discounted (30NT)
 
1.A resident of Taoyuan City (ID needed)
2.Children over 115cm or under 150cm.
3.Soldiers, Police, vigilantes, or aboriginal assistants with uniform or proven documents.
4.Government, school activities with proven documents.
20% discount for a group of 40 or more (discount category is not applicable)
 
Free
1.Children under 115cm.
2.Tourists aged 65 or older with ID papers.
3.People with disabilities and one accompanying person.
4.Residents of Fusing Township (ID needed)
5.People on official duty with proven papers.
6.People with volunteer service recognition card, according to the 20 article of Voluntary Service Law.
 
Note:
1.Tour guide of Skywalk needs to be arranged by scenery management office.
2.Water area opened for use in Peak seasons (Jun to Sep) and closed in low seasons (Jan to May, Oct to Dec).
3.No barbecue allowed inside the whole premises(except for vendors).
 

Information

 
Opening Hours 08:00 – 17:00 (Closed on Tuesdays)

Leave your comments here