YouBike in Miaoli, Taiwan

YouBike sa Miaoli County, Taiwan

YouBike ay dumating na sa Miaoli County. May nakita na akong tatlong bike stations at marahil ay mayroon pa sa iba’t-ibang dako ng Miaoli.

Youbike Station at NHRI Zhunan
YouBike’s Station sa NHRI, Zhunan Science Park.

Mayroon ding dalawang Youbike Stations malapit sa Shang Shun Mall sa Toufen.

Kinakailangan ang Easycard sa paggamit nito at puwede rin ang Credit card. 10 NT$ ang charge sa bawat 30 minutong paggamit ng bisikleta.


CHARGE RATES $10NT per 30min within the first 4 hours.
$20NT per 30min between 4 to 8 hours.
$40NT per 30min exceeding 8 hours.

Sa kasalukuyan ay libre ang 30 minutos para sa mga registered users ayon sa Miaoli County Government.


ReadTaiwan Job Opportunities (July 04, 2018)

AMKOR in Hsinchu is Hiring!


Anu-ano ang mga kailangan upang makapag-rent ng YouBike?

Una ay dapat mayroon kang Easycard na gaya nang nasa larawan. Mabibili ito sa mga convenience stores na gaya ng 7-11.

Easycard-Taiwan

Kailangan din ng VALID na Taiwan cellphone number, dahil dito ipapadala ang confirmation code bago ka payagang makapag-register.


Paano mag-register sa YouBike’s Kiosk?

Youbike kiosk
Pindutin or i-touch ang screen upang mag-activate, dahil ito ay nasa Standby Mode. May option para sa English language. Maaari ring i-check ang balanse ng Easycard sa mga kiosks na kagaya nito.

Youbike Registration

Sundin lang ng sunod-sunod ang instructions.

Youbike asks for phone number

I-input ang iyong personal na Taiwan cellular number with NO SPACE at dapat ay nagsisimula sa ZERO(0).  Press FINISH at isunod na pindutin ang “SEND VERIFICATION CODE” sa ibaba.

Antayin ang verification code na matatanggap sa iyong mobile number at i-input ito kaagad sa screen. Kasunod nito ay ang pag-register sa Easycard. Ilapit lang ito sa sensor zone.

sensor zone youbike

Antayin ang confirmation. Pagkatapos ng dalawa hanggang limang minuto ay pupuwede ka ng mag-rent ng bike.


Bago i-rent ang isang bike, ay siguraduhing hindi flat ang gulong nito.

I-check din ang brakes kung gumagana.


how to rent a youbike

>Itapat ang Easycard sa sensor at antaying mag blink ang ilaw na GREEN sa pinakataas.

>Sa oras na umilaw na ito, ibig sabihin ay puwede ng kunin ang bike mula sa pagkaka-lock. Hawakan ang bike sa manibela at hilahin ng marahan.

Magaan at madali lang sakyan ang YouBike. Meron din itong kambiyo na madali lang i-adjust.

U Bike


Pagkatapos gamitin ay i-align ang gulong sa designated guides. I-align din ang bike sa kaniyang docking port at pagkatapos ay itulak. Makakarinig ka ng loud clicking sound sa oras na nai-lock  na ng maayos ang bike.

Susunod na magbi-blink ang BLUE light at makakarinig ka ng beeping sound. Sa puntong ito, ay puwede mo ng itapat sa sensor zone angEasycard.

Transaction is completed or PAID, once na bumalik sa GREEN ang ilaw.

youbike in miaoli

youbike dock

youbike in nhri


Facts:

♦ Adjustable ang kaniyang seatpost. No special tools are required.

♦ Magpalipas ng 15 minutes bago makapag-rent uli ng bike sa SAME station.

Kapag naiwala mo ang isang YouBike ay dapat ipagbigay-alam kaagad sa Pulis. Kapag hindi ito natagpuan pagkatapos ng tatlong buwan ay babayaran mo ito ng 9, 000 NT $.

Kapag nakita mo ang isang YouBike na may sira or inoperable, ay puwedeng i-twist patalikod ang upuan nito upang magsilbing indikasyon na ito ay hindi nararapat gamitin.

♦ Giant Taiwan ang may gawa nito.

♦ Limang Easycards ang puwedeng i-register sa isang Taiwan Mobile Number.

Comments

Author: artiQL8Ckr

An adventurer that loves exploring places with a passion for computers-both software and hardware.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.